Lider ng carnapping group dinakip sa korte
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoÂridad ang lider ng isang carÂnapping group sa MetÂro Manila na si JoeÂmel Salvatierra habang ito ay dumadalo sa isang court hearing sa Malolos, Bulacan.
Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga noong Miyerkules ay inaÂresto ang suspek sa bisa ng inisyung warrant of arrest ni Valenzuela City Metropolitan Trial Court Judge Teresita Asuncion-Lakandula sa kasong illegal possesion of firearm, habang ito ay dumadalo ng court hearing sa Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 12 sa kasong namang carnapping.
Ayon kay Senior Supt. Joel Pagdilao, disÂtrict deputy director for administration ng QCPD, ang grupo ni Salvatierra ang responsable sa pagtangay sa sasakyan ni dating senator Nene Pimentel noong January 29, 2012 sa harap ng Unan massage parlor na matatagpuan sa kahabaan ng Shorthorn St., kanto ng Aberdeen St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.
Sinabi ni C/Insp. RoÂderick Tonga, hepe ng anti-carnapping unit ng QCPD, nagawa nilang matukoy ang kinarorooÂnan ng suspek base sa imÂpormasyon na dadalo ito sa court hearing sa nasabing korte.
Agad nilang inantabaÂyanan ang pagsulpot ni Salvatierra sa korte kung saan bitbit ang warrant-of-arrest laban sa kanya.
Sinabi ni Tonga dumaÂting umano ang suspek sa korte kasama ang kanyang abogado na si Atty. Ricardo Garrido kung saan nila ito inaresto.
- Latest