Tserman, bata utas sa ambush

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang tatlong katao na nakatayo na kinabibilangan ng isang barangay chairman at 10-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Zamboanga City.

Namatay noon din si Allimudin Quillah, Chairman ng Brgy. Cusipan, Sibuco, Zamboanga del Norte habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Jay Ann Ismael, 10. Habang nasu­gatan si Tottoh Ismael, 26 na dinala sa os­pital.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang nakatayo ang mga biktima sa Sitio Suyugan, Brgy. Limpana nang bigla na lamang silang ratratin ng mga suspek na biglang sumulpot sa lugar.

Mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga suspek matapos na bumulagta ang pinaniniwalaang target na si Quillah.

Show comments