^

Police Metro

3 intsik timbog sa P185-m shabu

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tatlong pinaghihinalaang big time Chinese drug traf­fic­ker ang nadakip sa isi­nagawang serye ng ope­rasyon sa Maynila at Cavite ng mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Ope­rations Task Force (PNP-AIDSOTF) kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal Officer at Spo­kesman Chief Ins­pector Roque Merdegia Jr., aabot sa 37 kilo ng methamphetamine hydro­chloride (shabu) na nagkakahalaga ng P185-M ang nasamsam mula sa mga suspek.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang unang magsagawa ng buy bust operations ang mga operatiba ng PNP-AID­SOTF sa Muelle de Binondo sa lungsod ng Maynila na kung saan ay nasakote ang mga suspek na sina Tai Chun Yuan alyas Mr. Chua at Yang Mou Yuan alyas Yeng habang nakatakas si Shu Jian Ye.

Nasamsam mula sa behikulo ng mga suspek ang dalawang kilo ng shabu  habang karagdagan pang 15 kilo ng shabu ay nasamsam naman sa condominium unit ni Yeng sa nasabing lugar.

Nasakote naman sa follow-up operation si Ye sa Trece Martires City, Cavite ang isa pang suspek na si Shu Jian Ye kahapon ng mada­ling-araw.

Nasamsam naman mula sa pag-iingat ng sus­pek ang 20 pang kilo ng shabu.

Malaki ang hinala ng mga otoridad may mala­king laboratoryo ng shabu ang sindikato ng droga sa bansa na kinabibilangan ng mga suspek.

 

CAVITE

CHIEF INS

DRUGS SPECIAL OPE

LEGAL OFFICER

MAYNILA

MR. CHUA

SHU JIAN YE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with