MANILA, Philippines -Muling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kumÂpanya ng langis kahapon ng umaga na ika-anim na sunod buhat nitong buwan ng Mayo.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang sabay-sabay na magtaas ang mga kumpanyang PiÂlipinas Shell, Petron CorÂporation, Chevron PhiÂlipÂpines, Seaoil CorÂpoÂration, Phoenix PetroÂleum, Flying V, PTT at Total PhiÂlippines.
Nagtaas ang mga ito ng P1.45 kada litro sa presyo ng diesel na gamit ng mga pampublikong sasakyan at P1.05 naman sa presyo ng premium at unleaded gasoline at P1.30 kada litro sa kerosene.
Patuloy na ikinatwiran ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis ang mataas na presyo ng inaangkat nilang krudo lalo na ang Singaporean finished products kaya mataas rin ang pagbebenta nila sa bansa dagdag pa ang pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar.