Jeep sumalpok sa tricycle: 1 utas

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 52-anyos na ginang na sakay ng isang tricycle ma­tapos na salpukin ng nag-overtake na pampa­saherong jeep kamakalawa sa kahabaan ng na­tio­nal highway ng District Cabatuan, Brgy. Poblacion, Carmen, Agusan del Norte.

Ang nasawi ay nakila­lang si Adelina Morgado, ng Brgy. Poblacion 1, Santiago ng lalawigan.

Nasugatan at dinala sa ospital ang mga bik­timang sina Rita Juanico Lupac, 44;  Lucilita  Juanico, 54; at  Roy Raniada Morgado, 56.

Sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga ay minamaneho ni Gerry Granza ang pampasaherong jeepney (LYF 188) at uma­no ay nag-overtake sa na­uunang sasakyan at hindi na napansin ang makakasalubong na tricycle na nasa kabilang linya na may sakay na apat na pasahero na humantong sa banggaan.

Show comments