Rider binaril sa ulo, dedo

MANILA, Philippines - Dedo ang isang rider makaraang malapitang barilin sa ulo habang sakay siya ng kanyang mo­torsiklo at binabagtas ang panulukan ng Bulacan at M. Hizon Sts., sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO2 Ro­nald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Charlie Flores, may-asawa, naka­tira sa #2553 Felix Huertas St., Sta Cruz, Maynila.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo na tumagos sa mata nito.

Hindi pa tukoy ang pag­kakakilanlan ng gunman at ang motibo ng krimen na siyang subject sa ginagawang imbestigasyon ngayon ng  pulisya.

Ayon sa report, dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa kanto ng Bulacan at M. Hizon Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (9264-TI) at habang binabagtas ang nasabing lugar nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at walang sabi-sabing binaril ng malapitan sa ulo ang biktima habang naka­talikod ito.

Matapos ang pamama­ril ay kaswal na tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Rizal Avenue dala ang kalibre 45 baril na ginamit sa krimen.

Show comments