‘4 o’ clock habit’ laban sa dengue – DOH

MANILA, Philippines - Malaki umano ang maitutulong ng “4 O’ clock habit” sa paglaban sa dengue nga­yong panahon ng tag-ulan.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona kasabay ng pagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng Asean Dengue Day ngayon.

Ayon kay Ona na asahan ang pagdami ng dengue cases sa bansa dahil sa pagsapit ng panahon ng tag-ulan at mas magiging epektibo ang “4 O’clock habit” kung gagamitan ng “stop, look and listen” approach.

Kinakailangan anya na tukuyin muna ang high-risk areas sa isang lokalidad, mag-organisa ng mga grupo na magsasagawa ng critical response activities at bumuo ng sistema ng komunikasyon para sa mas maayos na koordinasyon. Pagsapit ang alas-4:00 ng hapon, ang mga iti­nalagang grupo naman ang maghahanap ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquitoes at magpapatupad ng systematic na “search and destroy activities” upang tu­­lu­yang patayin ang mga la­mok.

Show comments