COMELEC: Senatorial bets hindi overspender

MANILA, Philippines - Hindi umano gumastos ng labis sa itinakda ang mga tumakbong senador sa nakalipas na halalan.

Ito ang inihayag ni Com­mission on Elections Chairman Sixto Brillantes na sa kabuuan ang over­spender ay iyong gumastos ng P156 milyon o higit pa sa panahon ng kampanya na ibinase sa isinumiteng Statement of Election Contributions and Expenditures (SECE) ng mga senatorial candidates sa  Comelec hanggang noong Biyernes.

Kung ang kandidato naman ay independiyente ay pinapayagan siyang gumastos ng hanggang P260 milyon.

Wala pa namang final audit report ang Come­lec sa expense reports ngunit tiniyak na lahat ng 12 winning senators ay nakapaghain na ng kani-kanilang expense reports hanggang nitong Biyernes.

Sa ngayon aniya ay tinitingnan pa ng Comelec kung may invalid declarations ang mga kandidato.

Sa 12 nanalong senador, tanging si Francis Escudero lamang ang hindi nakapaghain ng kanyang expense report sa itinakdang deadline kaya’t maaari siyang pagmultahin ng poll body.

Show comments