^

Police Metro

Desisyon sa pagsuspinde ng klase nasa kamay ng LGUs – DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling ipinaalala ng Department of Education (DepEd) na nasa kamay na ng mga local government units (LGUs) ang pagsususpinde ng klase kung sakaling walang storm signal na inilabas ang PAGASA at malakas ang buhos ng ulan dahil ang mga ito ay ‘on the ground’ at higit na nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang nasa­sakupan.

Subalit, ayon kay Education Secretary Armin Luistro, alinsunod sa rules, otomatikong suspendido ang klase sa kindergarten kapag mayroong Storm Signal No. 1; ang klase sa elementarya at high school ay suspendido kapag itinaas na ang Storm Signal No. 2 at kung may Storm Signal No. 3 naman ay
ka­sama na rin sa walang pasok ang mga nasa kolehiyo, kabilang na ang graduate school at govern­ment offices.

Alinsunod sa Executive Order No. 66 s.2012 na nilagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino, kung walang typhoon signal na ipinapalabas ang PAGASA, dapat na magkaroon ng localized cancellation o suspension ng klase at trabaho sa mga government offices na ipapatupad ng mga local chief executives, bilang chairmen ng mga Local Disaster Risk Reduction and
Management Council (LDRRMC).

ALINSUNOD

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

EXECUTIVE ORDER NO

LOCAL DISASTER RISK REDUCTION

MANAGEMENT COUNCIL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

STORM SIGNAL NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with