Bebot brutal na pinatay

MANILA, Philippines - Brutal na pinatay ang isang hindi pa nakikilalang babae na tadtad ng mga saksak sa katawan na binigti at pagkatapos ay inihulog ang bangkay sa isang kanal na natagpuan kahapon sa loob ng isang subdivision sa Brgy.Sahod Ulan, Tanza, Cavite.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’4”, maliit ang pangangatawan nakasuot ng kulay itim na underwear at asul na Jeans pants.

Sa imbestigasyon ni PO1 Joel Mendoza, ganap na alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima sa drainage ng Villa Juanita Subdivision.

May mga tama ito ng saksak sa dibdib, nakabigti ang leeg ng nylon cord at ang bibig nito ay may pasak na mga plastic straw. Malaki ang hinala ng pulisya na itinapon lamang ang biktima sa lugar dahil walang mga residente na nakakakilala dito.

Show comments