^

Police Metro

Fiscal utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang fiscal matapos itong ambusin at pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki na naganap sa Brgy. Muson, San Luis, Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rosauro Acio ang nasa­wing biktima na si Atty. Alex Sandoval, 40, assis­tant provincial prosecutor na residente ng Brgy. Alangilan, Batangas City.

Ang pananambang sa biktima ay naganap dakong alas-11:30 ng umaga sa Brgy. Muson, habang patungo ito sa bayan ng Sta. Teresita ng nasabing  bayan.

Kasalukuyan umanong lulan ang biktima ng kanyang pribadong behikulo nang sundan ng mga suspek na sakay ng kulay asul na motorsiklo na may back up na kulay puting kotse (TDD 852) sa nasabing lugar.

Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na  dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kata­wan.

Bago naganap ang insidente ay nakatanggap umano ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang bik­tima.

Patuloy namang ina­alam kung may kontro­bersyal na kasong hinaha­wakan ang biktima na posibleng motibo ng pa­ma­maslang dito.

vuukle comment

ALEX SANDOVAL

BATANGAS CITY

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

BRGY

DIRECTOR P

MUSON

ROSAURO ACIO

SAN LUIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with