Pinay workers na biktima ng rape sa abroad pinalalantad

MANILA, Philippines -Upang mapabilis ang gagawing pagsisiyasat ay hinikayat ni  House Committee on Overseas and Workers Affairs Chairman at Akbayan Party­list Rep. Walden Bello ang mga Pinay workers na biktima ng “sex for fly” na tumulong sa gaga­wing im­bestigasyon ng Kamara.

Giit pa ni Bello na kailangan nila ang koo­perasyon  ng mga biktima upang mapanagot sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng Phi­lippine Overseas Labor Office (Polo), Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) sa Middle East na sangkot sa “sex for fly” sa mga OFW na nais makauwi ng bansa.

Karaniwan umanong nabibiktima ng “sex for fly” ay ang mga OFW na nahihirapan sa kanilang trabaho o nakakaranas ng karahasan sa mga amo at para makauwi ng bansa ay inaalok ng mga opisyal na makipagtalik kapalit ng tiket pabalik.

Show comments