MANILA, Philippines - Aksidenteng sumalpok sa puno ng niyog ang isang trak na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng malubha ng isa pa naganap kahapon ng madaling-araw sa national highway ng Brgy.Lungib, Calauag, Quezon.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Emmanuel Marquez, driver at Ligaya Arida haÂÂbang malubha namang nasugatan ang helper na si Teodorico Anabo.
Batay sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling-araw ay kasalukuyang minamaneho ni Marquez ang Isuzu truck (ZGG 221) na puno ng kargang nasa 1000 sako ng semenÂto patungo sana sa Cavite nang mawalan ito ng kontrol sa manibela nang masiraan ng preno.
Kaya’t tuluy-tuloy na sinalpok ng trak ang ilang puno ng niyog sa tabi ng highway na ikinasawi ng mga ito.