MANILA, Philippines - Timbog sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army at tatÂlong tauhan nito na pinaniniwalaang hired killers at sindikato ng gun-for-hire.
Sa pinadalang ulat ng NBI- Death Investigation Division, kinilala ang lider ng grupo na si Staff Sgt. Robert Yadao, aktibong miyembro ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at mga tauhan na sina Gerry Tactacon, 41, driver; Raquel Layusa, 36, construction worker; at Danilo Galvan, 24, tricycle driver.
Nabatid na pinasok ng NBI-DID ang lugar ng Payatas, sa Quezon City para matunton ang bahay ni Yadao, kung saan nakuha sa loob ng bahay ng sundalo ang isang “modified†na .45 kalibre na baril at daan-daang piraso ng mga bala.
Nahuli sina Tactacon, Layusa at Galvan sa Kapalaran St., Commonwealth Ave., Quezon City.
Ang pagkakadakip sa apat na suspek ay batay sa reklamo ng negosyanteng si Butch Cosme nang malaman na may plano ang grupo ni Yadao na siya ay patayin, kasama ang kanyang nanay at naÂkababatang kapatid.
Pinabulaanan naman ni Yadao ang akusasyon sa kanya na plano nitong ipapatay ang negosyante at pamilya nito.