MANILA, Philippines - Nakatakdang arestuÂhin ng mga tauhan ng MetÂropolitan ManiÂla DeÂÂvelopment Authority (MMDA) ang mga estudÂyanteng mahuhuling naÂniÂnigarilyo malapit sa esÂkwelahan.
Ayon kay MMDA ChairÂÂman Francis ToÂlenÂtino, para lalung maÂhigpit na maipatupad ang kampanya laban sa paninigarilyo ay makikiÂpagÂ-ugnayan sila sa baÂwat lungsod sa Metro Manila upang maiwasan na ang paninigarilyo at pagbebenta sa mga malaÂlaÂpit na paaralan.
Nauna nang nagbabala ang MMDA sa sinumang mga estudyante at menor- de-edad na mahuhuling naninigarilyo sa mga maÂlalapit na eskuwelahan, bukod sa sila ay darakpin ay pagmumultahin pa sila ng P500.
Noong Huwebes ng umaga ay nag-umpisa na ang panghuhuli ng MMÂDA sa mga ambulant cigarette vendors sa mga parish school sa may HarÂrison St., at Cartimar, Pasay City.