Ulong pugot at putol na paa ng lalaki sa SLEX

MANILA, Philippines - Isang ulong pugot at putol na paa ng isang lalaki ang natagpuan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sakop ng Brgy. Pulo, Ca­buyao City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay CALABARZON Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona, dakong alas-5:57 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng nasabing lalaki ng isang Nilo Piong, maintenance sa SLEX.

Sa salaysay ni Piong, nakita niya ang itim na garbage bag sa kahabaan ng SLEX at dala ng kur­yusidad ay binuksan niya ito at ganun na lamang ang kanyang sindak na naglalaman ito ng ulong pugot at putol na paa ng lalaki na nakasuot lamang ng brief ng matagpuan sa lugar.

Malaki ang paniwala ng pulisya na ang biktima ay sinalvage at itinapon lang sa lugar upang ilihis ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Show comments