MANILA, Philippines - Matapos na ibaba ang hatol ng habambuhay kay Supt. Dionisio Borromeo na guilty sa kasong pagbibigay ng proteksyon sa isang shabu laboratory sa Naguilian, La Union ay nadakip na ito kahapon matapos na isilbi ang warrant of arrest.
Kinumpirma ni CAÂLABARZON Police Director P/Chief Supt. Benito Estipona na bandang alas-10:00 ng umaga kahapon nang isilbi ang warrant-of- arrest laban kay Borromeo sa tanggapan nito sa Camp Pantaleon, Garcia sa Imus, Cavite.
Magugunita na si Borromeo, Deputy Director for Administration ng Cavite PPO ay hinatulan ni Judge Ferdinand Fe, 1st Judicial Region Branch 67 ng Bauang, La Union kamakalawa ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo at pinagmumulta rin ng P10M.
Habang ang kasabwat nitong si SPO1 Joey Abang ay pinatawan naman ng 20 taong pagkakakulong at P500,000 bayad pinsala sa kaso.
Matapos ibaba ng korte ang hatol ay bolunÂtaryong lumantad si Borromeo sa opisina ni Cavite PPO Provincial Director P/Sr. Supt. Alexander Rafael kamakalawa pasado alas-5:00 ng hapon sa pagÂÂsasabing hindi niya taÂtakasan ang kaso.