MANILA, Philippines -Bangkay na nang maÂrekober matapos ang 16 oras na paghahanap sa isang 6-anyos na batang lalaki na nahulog sa creek habang nagtatampisaw sa baha dulot ng pag-ulan sa Quezon City.
Ang biktima ay kinilalang si Ariseo “Jumong†Nerpio, na natagpuan ng mga barangay tanod, ganap na alas-7:45 ng umaga sa may Lapu-Lapu at San Pablo Sts., Dona Rosario, Brgy. Novaliches Proper.
Batay sa ulat, Martes ng alas-3:30 ng hapon nang mapaulat ang pagÂkawala ni Jumong mataÂpos na mahulog sa may San Paulo creek sa kaniÂlang barangay.
Nabatid na sa kasagsagan ng buhos ng ulan ay naligo ang bata kasama ang ilang kalaro malapit sa kanyang bahay sa may P. Tupaz St. at habang nagtatampisaw sa ulan ay may duÂmaan umanong grupo ng mga kabataang nagbibisekleta at sumabay ang biktima hanggang sa magawi sa creek at naÂhuÂlog.
Umapela ang mga residente na lagyan ng harang ang nasabing creek dahil maraming beses nang may nahuhulog lalo na kapag malakas ang buhos ng ulan.