^

Police Metro

Sunog sa Mandaluyong at Quezon City

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nawalan ng bahay ang may 150 pamilya sa  naganap na sunog kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsimula ang sunog na tu­mupok sa tinatayang may 30 bahay sa Abelas Compound sa Barangay Mabini J. Rizal ng lungsod.

Aabot sa mahigit kalahating milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog at walang naiulat na nasaktan o nasawi dito.

Nabatid na ang sunog ay nagsimula sa bahay ng isang Delia Suan at inaalam kung natumbang kandila o napabayaang kalan.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula.

Samantala, umabot naman sa P300,000 ang mga ari-ariang naabo matapos na masunog ang may anim na kabahayan sa Quezon City kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, ang sunog ay nagsimula umano sa bahay ng isang Marissa Munoz, sa no. 39 Sain John St., Pingkian I Compound, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-2:00 ng hapon na idineklarang fire out matapos ang isang oras.

AABOT

ABELAS COMPOUND

BARANGAY MABINI J

DELIA SUAN

MANDALUYONG CITY

MARISSA MUNOZ

PASONG TAMO

PINGKIAN I COMPOUND

QUEZON CITY

SAIN JOHN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with