MANILA, Philippines -Napinsala ang may 100 kabahayan at 20 bangka sa naganap na magkakahiwalay na flashflood at ‘storm surge’ sa baybayin ng Estancia at Barotac Nuevo, Iloilo kahapon.
Batay sa ulat, bandang alas-11:15 ng tanghali nang maminsala ang storm surge o malalaking alon partikular na sa pier ng Estancia, Iloilo at nasa 20 bangkang pangisda ang napinsala.
Samantala, bandang alas-12:30 ng tanghali nang salantain naman ng flashflood ang Sitio Lamitao, Brgy. Talisay, Sitio Baybay sa Brgy. Lanas , Barotac Nuevo sanhi ng high tide at malakas na paghangin sa lugar na kung saan ay 100 kabahayan ang pinasok ng baha sa lugar.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa naturang mga insidente.