Rider sumalpok sa puno, tepok

MANILA, Philippines - Wasak ang mukha at namatay noon din ang isang rider nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo kaya’t rumampa sa gutter ng kalsada bago sumalpok sa malaking puno ng Balite sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Ron Ross Echica, 28, ng 11A -Taiwan St., Barangay Santolan, Pasig City.

Batay sa ulat, dakong ala-1:25 ng madaling-araw ay tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Amang Rodriguez Avenue minamaneho ang kanyang motorsiklong Suzuki Smash (4136 HW) nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.
kaya’t rumampa ang motorsiklo sa gutter bago humampas sa malaking puno ng Balite.

Tumilapon ang biktima sa kalsada sanhi upang mawasak ang mukha nito, gayundin ang kanyang motorsiklo.

Show comments