MANILA, Philippines- Dahil sa hindi makayaÂnang sakit na tuberculosis o TB ay nagpasya ang isang bilanggo na magpaÂtiwakal sa kanyang selda sa Pasay City Jail kamakaÂlawa.
Kinilala ang biktimang si Maximo Layoso, 53, ng Block 7, Lot 11, Santol St., Barrio Santo Niño, Pasay City na nakulong sa kasong droga.
Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang kapwa inmate ang biktima na nakabigti gamit ang sintas ng sapatos na ang dulo ay isinabit sa isang pako na nasa ibabaw ng kanyang higaan.
Nabatid na noong DisÂyembre 2012 nakulong si Layoso matapos madakip sa pagbebenta umano ng shabu.
Nagkaroon ng sakit na tuberculosis si Layoso sa loob ng bilangguan kaya’t kinailangan siyang dalhin sa infirmary cell na nasa ikatlong palapag ng PCJ kung saan nababantayan ang kalagayan ng kanyang kalusugan.
Bukod sa marka sa leeg, wala ng iba pang sugat na nakita sa iba pang parte ng katawan ng biktima.
Tumanggi ang mga kapatid ni Layoso na isaÂilalim pa sa otopsiya ang bangkay sa paniwalang winakasan talaga ng bikÂtima ang kanyang buhay dahil hirap na hirap na sa paghinga sanhi ng tinaÂtaglay na sakit.