MANILA, Philippines - Nagbigay na ng kanyang pahiwatig para maÂging lider muli ng Senado si Senator Franklin Drilon dahil na rin sa lawak ng kanyang karanasan.
Sinabi ni Drilon sa isang panayam sa telebisÂyon mas nakahanda na siyang harapin anumang sitwasyon sa Senado kahit pa sinasabing maikukumpara sa 24 republics ang 24 na miyembro ng Mataas na Kapulungan.
Dapat din naman umaÂnong intindihin ang 24 na Senador lalo pa’t may mandato ang bawat isa sa kanila ng nasa 14 milyong botante.
Bagaman at ayaw pa rin umanong maging “presumptuous†ni Drilon na siya na ang susunod na SP kapalit ni Senate President Juan Ponce Enrile ipinagmalaki nito na mas may kapasidad siyang isulong ang mga panukalang batas na maghahatid ng reporma sa bansa.
Muli ring inamin ni Drilon na nagkasundo na sila ni Senator Manny Villar na mananatili ang koÂwalisyon ng Liberal Party at ng Nacionalista Party para matiyak na mananatili sila sa mayorÂya at maisusulong ang mga panukalang batas na prayoridad ng administrasÂyon kabilang na ang pag-amiyenda sa mining law.
Nakahanda rin umano si Drilon na harapin ang magiging minorya sa Senado na sinasabing mas magiging “mabagsik†kumÂpara sa minorya ngayong 15th Congress.