Kolektor utas sa ambush

MANILA, Philippines - Utas ang isang len­ding investment collector habang malubha namang nasugatan ang kasamahan nito matapos na tamba­ngan ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Ayala, Zamboanga City kamakalawa ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Western Mindanao Medical Center Hospital ang biktimang si Bemilo Islanan matapos na masapul ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo.

Ginagamot naman sa nasabi ring hospital si Jeffrey Gavarra,  na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kaniyang katawan.

Sa ulat, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Provincial Police Office (PPO) 9, naganap ang insidente bandang alas-11:50 ng tanghali sa Brgy. Ayala, Zamboanga City.

Sinabi ni Huesca, ka­­sa­lukuyang nangongo­lekta ang mga bikti­ma ng ka­nilang mga sinisi­ngil para sa Nickel Len­ding Investment nang pag­ba­ba­rilin ng mga armadong suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga aw­toridad ang motibo ng krimen.

Show comments