MANILA, Philippines - Dedo ang apat na kaÂtao sa naganap na magÂkahiwalay na sunog sa Mandaluyong City at Quezon City kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling-araw.
Unang naganap ang sunog sa Gen. Lim St., Barangay Sta. Cruz, Quezon City na nagsimula ng alas-3:30 ng hapon na ikinasawi ng isang alyas Eduardo, tinatayang nasa 50-taong gulang.
Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa ikatlong palapag na townhouse na sinasabing na-trap o hindi nakalabas sa kanyang kuÂwarto.
Sa Mandaluyong City ay isa namang boarÂding house sa Ilaya St., ang tinupok ng apoy kahapon ng madaling araw kung saan ay nasawi ang mga biktimang sina Ryan Lopez, 27, Dandy Gozarin, 28, na kapwa accountant at Wendell Cabanglan, 23, na isang IT specialist.
Nakaligtas naman ang lima pang boarder na kasamahan ng mga biktima sa mahigit sa kalahating oras na sunog.
Sinabi ni Rene De Dios, isa sa mga nakaligtas sa sunog, dakong ala-1:27 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy habang tulog na sila sa boarding house na matatagpuan sa Lions Road, Barangay BaÂrangka, Ilaya, Mandaluyong City.
Ani De Dios, malaki na ang apoy nang kanyang makita at nagmula sa isang kuwarto ng boarding house at agad siyang suÂmigaw para maipaalam sa ibang kasamahan.
Minalas namang hindi na nakalabas ang tatlong nasawi na nasa banyo at nasa likurang bahagi na ng boarding house nang makita ang kanilang mga katawan.
Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga arson investigators ang sanhi ng nasabing sunog.
Samantala may kabuuan namang 60 pamilya ang nawalan ng tahanan ng masunog ang may 25 kabahayan sa may Lilaw Street Sitio Orlina Barangay Greater Fairview Quezon City kahapon ng alas 7:52 ng umaga.
Ayon kay Arson investigator Senior Fire Officer 2 Renato Gallego ng QC Fire Department, nagmula ang apoy sa ikalawang palapag na bahay ng isang Gilda Encoy sa 113 Lilac Street na mabilis na kuÂÂmalat sa mga karatig bahay nito.