Minahan inatake ng NPA: 1 utas, 2 sekyu sugatan

MANILA, Philippines - Isang mill operator ang nasawi habang dalawang security guard ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang mining firm sa Pantukan, Compostela Valley.

Ang nasawi ay kinila­lang si Aso Bore Masayaw, 23-anyos ng Malita, Davao del Sur. Habang isinugod sa ospital ang dalawang nasugatang security guard.

Batay sa ulat ni Compostela Valley Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Camilo Cascolan, bandang alas-5:00 ng umaga nang umatake ang mga rebeldeng NPA sa mining site ng Botsoy 2 Mining Corporation na pag-aari ni Lorenzo Ang na matatagpuan sa Brgy. Kingking, Pantukan ng lalawigan.

Nabatid na hinarass ng mga rebelde ang nasabing mining firm pero nagawang gumanti ng putok ng mga security guard dito na nagresulta sa 30 minutong bakbakan bago nagsitakas ang mga kalaban.

Show comments