Senglot umakyat sa poste, nakuryente

MANILA, Philippines - Ang pagpapasikat ng isang lasing na lalaki sa pag-akyat sa poste ng kuryente ang naging dahilan ng kamatayan nito nang sumabit ang katawan sa nakalaylay na kawad sa Quiapo, Maynila, ka­hapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Ariel Albano, 46, helper,  residente  ng Evangelista St., Quiapo, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 3:00 ng hapon ay pauwi na ang biktima na galing sa isang inuman nang magpasikat ito sa mga taong nagdaraan sa pamamagitan nang pag-akyat sa poste.

Habang umaakyat ay nasabit ito sa nakalaylay na kawad at nangisay at nalaglag na naging dahilan ng kamatayan.

Show comments