Ama dinedo sa harap ng anak

MANILA, Philippines - Nasaksihan ng isang 8-anyos na batang lalaki kung paano saksakin ng isang lalaki sa kanyang harapan ang ama nito naganap kamakalawa sa Brgy. Marsolo, Naga, Zamboanga Si­bugay.

Namatay noon din dahil sa tinamong saksak sa kaliwang dibdib ang biktima na si Malam Adlo, 36-anyos.

Nasa state of shock na­man ang anak nitong si Louie Adlo, Grade II pupil sa darating na pasukan matapos na masaksihan ang pagpatay sa kaniyang ama.

Batay sa ulat, bandang alas-11:00 ng umaga ay kasalukuyang naglalakad ang mag-ama sa nasabing lugar.

Pagsapit sa harapan ng bahay ng isang Sedra Bulawan ay nasalubong ng mag-ama ang suspek na residente rin sa lugar .

Agad na niyakap ng suspek ang biktima saka biglang inundayan ng saksak na labis na ikinatakot ng anak nito matapos na bumulwak ang dugo mula sa dibdib ng ama.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo.

 

Show comments