MANILA, Philippines - Limang lalaki na umano’y mga miÂyembro ng PreÂsidential Security Group (PSG) na ang trabaho ay bigyan ng seguridad si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsagawa nang panghuholdap sa isang car shop sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Brgy. Lagro, Quezon City kahaÂpon ng madaling-araw.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang pasukin ng 5 suspek ang Streamline Auto Salon na matatagpuan sa nasabing lugar at iginapos ang sekyu at kinuryente pa ang may-ari na si Richard Tubig nang ayaw buksan ang vault.
Naghinala naman ang manager ng Rios Resto Bar na katabi ng nasabing car shop sa kaÂhina-hinalang kilos ng mga lalaking sakay ng nakaparadang kulay gray na Mitsubishi Montero (MYK-456) kaya’t tumaÂwag ito sa himpilan ng pulisya.
Mabilis na nagresponde ang mga pulis na kung saan ay naaresto ang dalawang suspek na kinilalang sina Cpl. Bobby Cepe Ates, 25 at Sgt. Marvin Gamba Gaton, 31, na ayon sa Malacañang ay hindi close-in ng Pangulong AquiÂno kundi parte lamang ng manpower force ng PSG.
Nagawa namang maÂkaÂtakas ng tatlo pang suspek na siyang may dala ng nakulimbat na laptop at Iphone.
Narekober ng mga pulis mula sa sasakyan ng mga suspek ang mga high powered firearm na kinabibilangan ng isang M-16 armalite rifle, Colt 45 caliber, 9mm US compact at magasin ng mga baril.
Samantala, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na makikipagtuluÂngan ang pamunuan ng PreÂsidential Security Group (PSG) sa Quezon City police kaugnay sa kaso.
“The PSG is fully cooperating with the QCPD regarding the investigation. If after investigation the evidence warrants charges, then the two will have to face them. The PSG does not condone wrongdoing,†wika pa ni Usec. Valte.
Ang dalawang naarestong suspek ay kinasuhan ng robbery at paglabag sa Comelec gun ban.