MANILA, Philippines - Nakatakdang magtaas ng singil sa matrikula ang may 200 pribadong paÂaralan sa elementarya at high school sa NatioÂnal Capital Region maÂtapos aprubahan ang 6 porÂsiyentong pagtaas ng Department of Education.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, kailangan ang naturang pagtataas para sa pampaÂsuweldo sa mga guro, pagÂsasaayos ng mga paÂsilidad, at iba pang kagaÂmitan.
Samantala, inilunsad na kahapon ng DepEd ang taunang Brigada Eskwela sa Philippine School for the Deaf sa Pasay City kaÂÂhapon upang maihanda ang mga paaralan sa paÂsuÂÂkan sa pamamagitan ng pagkukumpuni, pagpiÂpintura at paglilinis sa mga silid-aralan.