Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco pumanaw na

MANILA, Philippines - Pumanaw kahapon ng madaling-araw matapos ata­kehin sa puso si Cavite Pro­vincial Prosecutor Em­manuel Velasco.

Nagpaabot ng pakikira­may ang Department of Jus­tice (DOJ) sa pamilya at mga kaibigan  ni Velasco na nilarawan ni Justice Sec­retary Leila de Lima bi­lang isang dedicated public servant.

May punto pa umano na naging matigas ang ulo ng opisyal pero kahit pa umano hindi tanggap ng karamihan ang isang partikular na desisyon, hindi iyon hadlang para hindi niya panindigan o gawin ang bagay na naiisip niya ay tama.

Isa umano si Velasco sa mga malugod na tumanggap sa kanya sa unang araw sa kagawaran.

Sinabi pa ni De Lima na ang matatag na karakter ni Velasco ang naging san­data niya sa pagharap sa mga hamon bilang public prosecutor at pinuno ng Pro­secutor’s Office ng Cavite.

Ang kanya umanong pag­panaw ay isang malaking ka­walan sa mamamayan ng Cavite, sa National Pro­­se­­cu­tors Service at sa buong ka­gawaran.

Show comments