MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang lalaki ang isang barangay chairman habang ito ay kumakain ng tanghalian sa kaÂnilang bahay kamakalawa sa Brgy. West Migpulao, Dinas, Zamboanga del Sur.
Namatay noon din si Brgy. West Migpulao Chairman Julian Nacau dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali habang nanananghalian ang biktima sa kaniyang bahay nang pumasok ang suspek at bigla na lamang pinagbabaril na sumalampak ang ulo sa mesang kinakainan.
Natukoy naman ang suspek na kinilalang si Muamar Fermin na nakita ng ilang kapitbahay ng biktima habang papatakas sa crime scene bitbit ang armas nito.