^

Police Metro

Pagbabago ng liderato sa Senado tiniyak

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiyak na ang  pagbabago sa liderato ng Senado at pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos lu­mabas ang 9-3 sa nakaraang senatorial elections pabor sa Team PNoy.

Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada kaugnay sa posibleng pagbabago ng leadership ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pagpasok ng 16th Congress sa Hulyo.

Posibleng mag-request umano si Estrada ng mee­ting sa tinawag niyang “macho bloc” ng Senado kung saan posibleng makasama sina senators-elect Nancy Binay at JV Ejercito-Estrada, at Senator Ramon Bong Revilla.

Una nang sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago na posibleng magkakalaban sa Senate Presidency sina Senators Alan Peter Cayetano at Franklin Drilon.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Vicente Sotto may isa pang senador na naghahangad na maging kapalit ni Enrile na hindi nito pina­ngalanan.

Ilang beses na ring sinabi ni Enrile na hindi naman siya kapit-tuko sa puwesto at nakahanda siyang bumaba bilang lider ng Senado anumang oras.

ENRILE

NANCY BINAY

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE SOTTO

SENATE PRESIDENCY

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENATOR RAMON BONG REVILLA

SENATORS ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with