MANILA, Philippines - Hindi patalim o baril ang ginamit ng holdaper sa kanyang biktima kundi pagsaboy ng asido sa mukha at pagkatapos ay tiÂnangay ang dala nitong bag kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Hindi pa makunan ng pahayag ang biktima na nakilalang si August Bautista, 29-anyos, salesman ng Toyota-Manila Bay at naninirahan sa 504-B Cluster IV Chateau Elysee, Bicutan, Taguig City dahil sa hindi pa makapagsalita habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng matinding paso sa mukha.
Sa salaysay ng kaibiÂgan ng biktima na si RitÂchie Delotina, 33-anyos, bank employee sa pulisÂya, dakong alas-2:40 ng hapon sa may Bay Garden Compound sa Metrobank Avenue, EDSA Extension ng lungsod ay sinundo niya ang biktima para maÂkasabay na umuwi.
Sandali silang huminto sa gilid ng EDSA upang magkarga ng tubig sa radiator ng kanyang kotse at habang nasa labas sila ng sasakyan, isang lalaki na nasa edad 30-anyos, maÂtangkad at nakasuot ng sando at short pants ang lumapit kay Bautista at biglang sinabuyan ito ng asido sa mukha.
Dahil sa matinding hapdi, nabitawan ni Bautista ang hawak na shoulder bag na may laman umaÂnong P60,000 cash, cellular phone, at iba pang personal na gamit saka nagtatakbo papasok sa comfort room ng Toyota showroom upang buhusan ng tubig ang napasong mukha.
Dito na dinampot at tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Roxas Boulevard.
Lumabas sa imbestiÂgasyon na maaaring plaÂnado ang insidente at paghihiganti ang motiÂbo ng krimen makaraang mabatid na tinangka ring sabuyan ng asido sa mukha ang biktima may apat na buwan na ang naÂkakalipas sa isang gas station sa may Macapagal Avenue sa Parañaque City.