MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ama habang nasugatan ang anak nito nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste ng Metro Rail Transit (MRT) matapos na masagi ng isang Elf van sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng hapon.
Ang nasawi ay nakiÂlalang si Samuel Meriel Sr., 65, ng Lower Bicutan Taguig City. Habang nasugatan naman ang anak nitong si Junior, 28 na ginamot sa East Avenue Medical Center.
Arestado ang driver ng Elf van na si Roberto JaÂbay II, 38, may-asawa ng no.24 Rizal St., Brgy. Poblacion, Magdalena, Laguna.
Sa ulat, alas-2:20 ng hapon ay kapwa binabaybay ng mag-ama na lulan ng motorsiklo at Elf van (RLR-282) ang kahabaan ng northbound sa Edsa at pagsapit sa harap ng FarÂmer’s Plaza ay nagkasagian ang mga ito.
Dahil sa matulin umano ang takbo ng motorsiklo ay nagtuloy-tuloy ito sa pag-arangkada hanggang sa sumalpok sa poste ng MRT at tumama ang katawan ng matandang Meriel.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.