^

Police Metro

P-noy hindi luluhod sa Taiwan President

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi luluhod kay Taiwanese President Ma si Pangulong Benigno Aquino III upang hingin ang kapatawaran ng Taiwan government matapos mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ma­ngingisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong Mayo 9.

Ito ang sinabi ni De­puty Presidential Spo­kesperson Abigail Valte at ipinahatid na ni Pa­ngu­long Aquino ang kan­yang public apology kay MECO chief Amadeo Perez kaugnay sa insidente at hindi gagawin ng Pangulo na siya mismo ang hihingi ng tawad kay President Ma.

Magugunita na una nang ibinasura ng Taiwan government ang public apology ng Pilipinas sa nangyari sa kanilang 65-anyos na mangingisdang napatay ng PCG.

Hiniling ng Taiwan na payagan ang joint investigation ng Taiwan at Pilipinas kaugnay sa insidente pero nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na ang National Bu­reau of Inves­tigation (NBI) ang mag-iimbestiga sa insidente.

Nanindigan ang Taiwan na sakop daw ng kanilang territorial waters ang pinangyarihan ng insidente, subalit iginiit naman ng PCG na nangyari ito sa Balintang Channel na sakop ng Pilipinas.

 

ABIGAIL VALTE

AMADEO PEREZ

BALINTANG CHANNEL

DEPARTMENT OF JUSTICE

NATIONAL BU

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with