Pulis tigok sa frat war

MANILA, Philippines - Nagmistulang bayani ang isang pulis na umaawat lang sa nag-aaway na frat nang pagbabarilin ito mula sa miyembro ng magkalabang fraternity sa Brgy. Looc, Danao City, Cebu kamakalawa.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa tama ng bala sa katawan ay nakilalang si SPO2 Jose Relampagos, residente ng Brgy. Dumlog ng lungsod.

Nasakote naman ang ilan sa mga suspek sa isang follow-up kinilalang sina Ronstel Casas, 27 anyos; Ronnie Capin, 31, Brave Alvaro, 19.

Sa ulat ng Danao City Police, dakong alas-5:00 ng hapon ay pauwi na sa kanyang bahay ang biktima na imbestigador  ng Tuburan Police Station mula sa Brgy.Looc matapos makilahok sa pagsisindi ng kandila kaugnay ng ginaganap na piyesta sa lugar nang makita ang komosyon sa pagitan ng magkalabang grupo ng mga kalalakihan na karamihan ay mga kabataan.

Palibhasa’y pulis, pumagitna ang biktima  para awatin ang grupo ng nag-aaway na mga kabataan na may mga bitbit na sumpak, patalim at kahoy.

Ilang sandali ay ilan sa mga suspek ay pinagbabaril ang nasabing parak na nabigo ng bunutin ang kaniyang  9 MM pistol para gumanti ng putok.

 

Show comments