Brillantes magbibitiw kung mawala sa Magic 12 ang 6 na naiproklamang senador

MANILA, Philippines - Kung mawala sa Magic 12 ang 6 na senador na naiproklama habang patuloy ang pagbilang sa mga elections returns ay na­ngako si Comelec Chairman Sixto Brillantes na siya ay magbibitiw sa puwesto.

Magugunita na kamakalawa ay pormal nang naiproklama sina Grace Poe, Loren Legarda, Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay (na hindi sumipot) at Juan Edgardo Angara.  

Malaki ang paniniwala ni Brillantes na hindi na magagalaw pa ang  anim sa kanilang puwesto kahit pa hindi tapos ang bilangan.

Hinamon din nito  ang kanyang mga kritiko na maghain ng annulment of proclamation sakaling duda ang mga ito sa mga boto na natanggap ng mga naunang naiproklama.

Ayon naman  sa election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, sa ilalim aniya ng regulasyon ng  National Board of  Canvass, maaari lamang  isagawa ang proklamasyon  kung  nabilang ang  lahat ng certificates of canvass (COC).

Show comments