MANILA, Philippines - Dalawang katao na pawang kasapi ng barangay ang nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos na sila ay pagbabarilin ng bodyguard ng kanilang chairman na napikon sa isa sa nasawi naganap sa loob ng barangay hall ng Brgy.Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Marife Biyo, 48, may-asawa, brgy. administrator at Eduardo Bunguit, 59, tanod.
Habang nasugatan sina Shiela Marie Biyo 23, health worker; Julius De Puyat, 54, hepe ng tanod at Diego Hombria, bodyguard ni Brgy. Captain LeuÂterio Guimbaolibot.
Naaresto agad ang suspek na si Magdaleno VeraÂno, 52, bodyguard din ni Guimbaolibot at reÂsidente ng Blk. 135, Phase 3, Brgy. Paliparan 3 ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ni PO3 Paulo Figueroa, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-6:20 ng gabi sa loob ng brgy. hall ay nagsasagawa ng pagpupulong ang mga biktima at suspek.
Dito ay narinig ng susÂpek sa pagpupulong na natalo sa kanilang lugar ang dinadala niyang kandidato na hindi nito nagustuhan.
Kinompronta ng suspek si Biyo na naging daÂhilan nang mainitang pagtatalo hanggang sa maÂpikon ang una at binunot ang dalang baril at pinagbabaril ang huli na kung saan ang ibang mga bala ay tumama sa ibang mga biktima.
Mabilis na rumesponde ang pulisya na nasa ibaba lang ng barangay hall at inaresto ang suspek na noon ay lasing pala.
Nakumpiska sa suspek ang isang cal 45 armscor na may mga laÂman pang bala.