Bagets na nanghabol para mangotong napatay

MANILA, Philippines -Kamatayan ang na­ging resulta sa paghabol ng  isang 16-anyos na binatilyo kasama ang barkada nito sa isang lalaki na kanilang balak kotongan matapos na saksakin siya nito naganap kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Mark Stephen Torres, vendor dahil sa tinamong saksak sa katawan mula sa hindi pa kilalang lalaki.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay hinabol ng biktima at mga barkada nito na sina alyas Athan at isa pang kasama ang suspek para ko­tongan.

Pagdating sa kahabaan ng Commonwealth Ave­nue, malapit sa panulukan ng Litex Road, Barangay Commonwealth ay bigla na lamang duguang bumuwal ang biktima sa kalye.

Sa pagsisiyasat ng oto­­ridad, ang biktima ay nag­­tamo ng isang tama ng saksak sa kanang tagiliran na siyang ikinamatay nito.

Show comments