^

Police Metro

Gordons sa Olongapo natalo

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinutol na ang deka­dang paghahari ng pamilya Gordon sa Olongapo City matapos natalo ang mga ito sa nakalipas na eleksyon.

Tinalo ni Rolen Paulino ng Sulong Zambales Party bilang mayor ng lungsod sa nakuhang boto na 40,664 laban kay Anne Marie Gordon na naka­kuha lamang ng 27,648 na papalit sana sa iiwa­nang puwesto ng kanyang asawang si James Gordon Jr. na tumakbo naman bilang kinatawan ng unang distrito ng Zambales.

Ang pamangkin ni Gor­don na si Bugsy Delos Reyes ay nakakuha la­mang ng 10,093 boto.

Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Paulino na, “tapos na ang politika. Mayroon ng bagong mukha ang Olongapo, at ang Olongapo ay mayroon ng bagong kasaysayan.”

Ilan sa mga tutuparin umanong pangako ng bagong punong-lungsod ay ang pagbaba ng bayarin sa pagtatayo ng negos­yo sa lungsod, pag-alis sa garbage fee sa mga ma­mamayan, ipagpatuloy ang paglaban sa pagtatayo ng coal plant, at maging bukas sa mga transaksyon at wakasan ang korapsyon.

Tinalo din si dating Olongapo City mayor Bong Gordon, nakababa­tang kapatid ni dating Sen. Dick Gordon ni Jeffrey Khonghun para maging ki­natawan sa unang distrito ng Zambales.

ANNE MARIE GORDON

BONG GORDON

BUGSY DELOS REYES

DICK GORDON

JAMES GORDON JR.

JEFFREY KHONGHUN

OLONGAPO

OLONGAPO CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with