^

Police Metro

LP maghahari pa rin sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Maraming mga re-elec­tionist at baguhang mi­yembro ng Liberal Party ang nagwagi sa Ma­babang Kapulungan ng Kongreso kaya’t patuloy pa rin na mamamayagpag ito sa Kamara.

Sinabi ni Majority Lea­der at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na karamihan umano sa mga tumakbong re-elec­tionists at baguhang  kongresista ay miyembro ng LP.

Tiwala din ang mam­babatas na mananatili sa kaniyang puwesto si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. bagama’t ma­laki ang posibilidad na tapatan ito ng presidente ng Lakas-CMD na si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Si Romualdez ay siyang napipisil ni out-going House Minority Leader Danilo Suarez na ipapalit sa kaniyang puwesto.

Aminado naman ang mambabatas na meron ding mga distrito kung saan natalo ang mga LP members, subalit lamang pa rin umano ang nanalo sa pagka-kongresistang LP.

Ngayong 16th Cong­ress ay aabot umano sa 110 na kongresista ang kasapi ng LP.

HOUSE MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

LEYTE REP

LIBERAL PARTY

MAJORITY LEA

MANDALUYONG REP

MARTIN ROMUALDEZ

NEPTALI GONZALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with