MANILA, Philippines - Nagutay ang murang katawan ng isang 7-buwang gulang na sanggol na babae habang nasugatan ang ina matapos suÂmabog ang isang granada na inihagis sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Chelzy Jaye Eliarda.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Kabacan Medical Specialist Hospital ang sugatang ina nito na kinilalang si Suhaina Eliarda, 33.
Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling-araw ay mahimbing na naÂtutulog ang ginang kasama ang isa pa nitong anak na lalaki habang nasa kuna naman ang sanggol nang maganap ang pagsabog.
Nagulantang ang ginang sa malakas na pagsabog at nagtamo ng sugat sa kanang balikat kaya’t pinuntahan ang sanggol na anak sa kuna ay hindi na ito gumagalaw at umaagos ang dugo sa ulo at nagutay pa ang murang katawan sa insidente.
Narekober naman ng mga nagrespondeng eleÂmento ng 34th Explosives and Ordinance Division team kasama ang K9 units at Kabacan Police at narekober ang fragments ng MK2 grenade.