7 Dinakip sa ‘Alak’

MANILA, Philippines - Nasampulan ang 7 kalalakihan sa ipinatutupad na pagbabawal ng alak nga­yong panahon ng eleksyon nang madakip ang mga ito kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Dante David, 36; Carmelo Hayag, 43; Ramon Francisco, 40; Romel Lutao, 37; Feliciano Amor, 23; Christopher Alvarado, 21; at Sulfecio Barbero, 19.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw na kung saan ay epek­tibo na ang pagbaba­wal sa pag-inom sa pampublikong lugar ay nadakip ang mga suspek sa may Mapagbigay St., kanto ng Nia Road, Brgy. Pinyahan sa lungsod habang nag-iinuman.

Narekober  pa sa mga suspek ang 8 bote ng alak na kanilang iniinom at ikinatuwiran na hindi nila alam na bawal nang mag-inuman.

Nakapiit ngayon ang mga suspek at nakatakdang kasuhan sa pinaiiral na liquor ­ban.

Show comments