Sa panawagang magtipid sa kuryente… may-ari ng mga mall tumugon

MANILA, Philippines - Tumugon ang mga negosyante at may-ari ng mga mall sa naging panawagan sa kanila ng Department Of Energy (DOE)  matapos na pumayag ang mga ito na magtitipid o babawasan nila ang paggamit ng kur­yente  upang maiwasan ang malawakang brown-out sa gaganaping election sa bansa bukas.

Natuwa naman si DOE Secretary Jericho Petilla sa naging hakbangin ng mga negosyante at mga may-ari ng mga shopping mall. Sa halip na alas-10:00 ng umaga, magbubukas ng alas-12:00 ng tanghali ang mga shopping mall sa araw ng halalan.

Kabilang sa mga shopping mall na tumugon sa pa­nawagan ng DOE ay ang SM mall, Robinson’s mall, pitong Ayala mall at iba pa. Suspendido naman ang operasyon ng mga opisina ng Puregold para lamang makatipid sa kur­yente.

Show comments