^

Police Metro

Marines vs NPA: 1 patay, 3 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi habang tatlong kagawad ng Philippine Marines ang nasugatan matapos magkasagupa ang mag­ka­bilang panig sa Gi­ngoog City, Misamis Oriental nitong Sabado ng umaga .

Ayon kay Army’s 4th Infantry Division (ID) Spokesman Major Leo Bongosia, bandang alas-6:40 ng umaga ng mangyari ang pananambang  sa tropa ng 3rd Marine Battalion Landing Team (MB­LT) ng NPA rebels sa Brgy. Lawit ng lungsod na ito.

Ang tropa ng Philippine Marines ay idineploy sa lung­sod upang mangalaga sa seguridad kaugnay ng gaganaping halalan bukas matapos ang ginawang pana­nambang ng mga rebelde kay Gingoog City Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver nito at body­guard habang sugatan naman ang alkalde at isa nitong police escort noong nakalipas na Abril 20.

Sinabi ni Bongosia, agad namang pinakilos ni MBLT3 Commnder Lt. Col. Elpidio Factor ang kaniyang mga tauhan na sinagupa ang uma­atakeng mga rebelde kung saan tumagal ang bakbakan ng mahigit sampung minuto.

Nagsiatras  ang mga rebelde matapos na malagasan ng isa nilang kasamahan habang isinugod naman sa pagamutan ang mga nasu­gatang sundalo.

Narekober sa encounter site ang isang bandoleer na puno ng bala para sa AK 47 rifle at isang backpack.

COMMNDER LT

ELPIDIO FACTOR

GINGOOG CITY MAYOR RUTHIE GUINGONA

INFANTRY DIVISION

MARINE BATTALION LANDING TEAM

MISAMIS ORIENTAL

NEW PEOPLE

PHILIPPINE MARINES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with