Nagpakamatay sa MRT, isang fotog

MANILA, Philippines - Isang freelance photographer ang lalaking tumalon at nagpakamatay sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) kamakailan at ang bangkay nito ay iniuwi na sa kanilang probinsiya. Ang biktima ay nakilalang si Leo Manulna, 31, binata, nanunuluyan sa Kalayaan, Barangay Guada­lupe Nuevo, Makati City mula sa Veronica Funeral Parlor ay iniuwi na ang bangkay nito sa Bulanao,  Tabuk City, lalawigan ng Kalinga. Ito ang ipinahayag ng pinsan  ni Leo  na si Venancio Damagon, taga C-5 Road, Taguig City at sa pamamagitan nito ay nakilala ang naturang biktima.

Sa panayam kay Damagon, dakong alas-2:00 ng hapon nang kanilang kunin ang labi ng kanyang pinsan kung saan naghihintay ang ina nitong si Dagwana Ma­nulna. Ang biktima ay dalawang araw ding binurol sa nasabing puneraria na kung saan ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ang nag-asikaso sa burol nito. Sinabi pa ni Damagon na hindi na nakaluwas ang mga kapatid, ina at kamag anak ng biktima  dahil sa mahirap din ang buhay at walang pamasahe para lumuwas ng Maynila.

Nabatid na si Leo ay ulila na sa ama at bunso sa limang magkakapatid at ito ay matagal nang naninirahan sa boarding house sa Guadalupe na kasama ang kanyang kabigan na si Oliver Villacorte.

Show comments