MANILA, Philippines - Nag-enroll muna ang isang 4th year student ng De La Salle-College of St. Benilde bago ito tumalon mula sa ika-11 palapag ng ng eskuwelahan kamakalawa ng hapon sa Malate, Maynila.
Ang biktima na binawian ng buhay dakong alas-6:00 ng gabi sa Manila Adventist Medical Center ay nakilalang si Jefferson Tan, 18, 4th year student sa kursong Multi-Media Arts at residente ng Block 14, Lot 22, San Clemente St., Metro Cor, Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng hapon nang tumalon ang biktima sa ika-11 palapag ng nasabing ekswelahan.
Bago ang pagpapaÂkamatay ng biktima nagpunta ito sa ika-9 at ika-10 palapag ng eskuwelahan kung saan matatagpuan ang Accounting at Registrar Office para mag-enroll.
Matapos na makapag-enroll ay naglalakad-lakad ito sa veranda ng ika-11 palapag na kung saan ay may cafeteria dun at nakita na sumuot at nagkasya ito sa may ventilation dahil sa payat ito at ilang sandali ay tumalon ito.
Nagtamo ng mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan, mukha at nabalian pa ng binti ang biktima sa pagbagsak nito.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad na bumagsak ang biktima sa kanyang thesis na hindi ipinaalam sa mga magulang.
Nakalap din sa isang kaklase ng biktima na nag-post ito sa kanyang Facebook account ng katagangâ€I want to commit suicideâ€.