^

Police Metro

Pangako ni Olivarez kinatatakutan

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinatatakutan umano ng mga residente ng Parañaque City ang pangako ni 1st Dist. Rep. Edwin Olivarez na pauunlarin niya ang serbisyong pang-edukasyon, pangkalusugan, pangkabu­hayan at kagalingang panli­punan.

Ayon sa mga residente hindi sila naniniwala kay Olivarez na pauunlarin niya ang “public education system” dahil sila ang may-ari ng Olivarez College dahil kapag pinaganda pa niya ang mga pampublikong paaralan kakaunti na lang mag-eenrol sa kanilang pri­badong paaralan.

Ganun din na pagagandahin niya ang serbisyo sa pampublikong ospital ay hindi rin umano mangyayari  dahil ang kanyang pamil­ya ang nagmamay-ari ng Olivarez Hospital at kapag pinagbuti ang serbisyo sa pampublikong ospital, kakaunti na lang ang magpapagamot sa kanilang ospital.

Maging ang socialized housing para sa mga mahihirap ay hindi rin umano mangyayari dahil batid ng lahat na patuloy na tumatanggi ang pamilya Olivarez na ipagbili ang isa sa kanilang pag-aaring lupa sa pamahalaang Lungsod ng Parañaque upang gawing “so­cialized housing site” para sa mga mahihirap.

AYON

EDWIN OLIVAREZ

GANUN

KINATATAKUTAN

LUNGSOD

OLIVAREZ

OLIVAREZ COLLEGE

OLIVAREZ HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with