MANILA, Philippines - Ang taglay na Christian values ni Bro. Eddie VillaÂnueva ang kailangan sa Senado kung kaya’t inendorso ni Cebu City Mayor Michael Rama ang kanyang kandidatura.
Lubos ang pasasalamat ni Bro. Eddie Villanueva kay Mayor Rama at anya kailangan na kailangan nila ang ganitong pag-endorso at suporta kaysa pagtuunan ng pansin ang mga naglalabasang survey at napakamahal na political ads.
Idinagdag pa ni Bro. Eddie ang mga pag-endorso sa kanya ng iba’t ibang sector ng lipunan ay nagpapakita upang magkaisa ang bansa at mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan lalo na yung mga mahihirap.
Kaya’t napakalaki anya ng tulong ng pag-endorso ni Mayor Rama sa kanyang kandidatura dahil ang lalawigan ng Cebu ay isa sa pinakamaraming botante sa may 80 lalawigan ng bansa.
Idinagdag pa ni VillaÂnueva na isa ring ekonomista na malaki ang maitutulong ng endorso ni Mayor Rama dahil dito ay magagawa ng Bangon Pilipinas ang plataporma para sa pag-angat ng ekonomiya ng mga mahihirap hindi lang sa Luzon kundi maging sa rehiyon ng Visayas at Mindanao.